Skip to main content
Release Date :
Reference Number :
P51-PR2023-01

Sa isang public advisory noong 05 Oktubre 2022, inihayag ng PSA na ang printed ePhillD at iba pang versions ng digital ID ay dapat kilalanin at tanggapin bilang official government-issued identification na dokumento sa mga transaksyon sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan kabilang na ang mga local government units (LGUs), government owned and control corporations (GOCCs), government financial institutions (GFls) at pati na sa financial institution ng pribadong sektor.

Naglabas din kamakailan ang Bangko Sentral ng Memorandum para sa mga financial institution na pinapangasiwaan nito na nagtatakda sa paggamit at pagtanggap ng ePhil ID at iba pang digital format PhillD bilang sapat na katibayan ng pagkakilanlan at edad, sa pamamagitan ng authentication. Gayundin ang ilang ahensya tulad ng Civil Service Commission, Government Service and Insurance System (GSIS) at Department of Social Worker and Development (DSWD). Dagdag pa rito, naglabas din ng public advisory ang Department of Foreign Affairs (DFA) na ang printed ePhillD ay tinatanggap ng ahensya bilang accredited government-issued valid ID para sa passport applications.
Ang ePhillD ay ang digital na bersyon ng PhillD o national ID na nakaprint sa papel at may kaparehong validity at functionality ng physical PhillD card na maaring gamitin sa lahat ng transaction. Ang ePhillD ay sapat na patunay ng pagkakakilanlan at edad, matapos nitong dumaan sa authentication. Ito ay magagamit sa mga transaksyon sa mga tanggapan ng pamahalaan at sa pribadong sektor.

Ang printed ePhillD ay nagtataglay ng natatanging digital signature sa pamamagitan ng QR code nito na maaring magamit para sa authentication.

Hinihikayat namin na inyong i-authenticate ang inyong printed ePhilDl gamit ang PhilSys Check. Magtungo sa verify.philsys.gov.ph. Maaaring sundan ang mga sumusunod na hakbang para ma-authenticate ang printed ePhillD gamit ang PhilSys Check:
1.    Magpunta sa verify.philsys.gov.ph
2.    I-click ang "Scan ePhillD" button.
3.    I-click ang "Click to scan QR code".
4.    Piliin ang "Camera" para sa mode of scanning.
5.    I-click ang "Start Camera" at i-scan ang QR code ng printed
6.    Makikita ang prompt na "PhilSys QR code Successfully Verified" kapag na-scan at na-verify ang inyong ePhillD.
Maaaring kumuha ng printed ePhillD ang mga rehistrado na mayroon ng PhilSys Number or PSN na hindi pa nakakatanggap ng physical card. Sa kasalukuyan, kinakailangan ang inyong Transaction Reference Number (TRN) na makikita sa transaction slip na ibinigay sa pagpaparehistro para malaman kung mayroon ka ng PhilSys Number (PSN) at maari ka nang kumuha ng ePhillD. Bisitahin ang htps:appt.philsys.gov.ph upang malaman kung mayroon ka ng PSN.
Sinisiguro ng PSA na makukuha pa rin ng mga nagclaim na ng printed ePhillD ang kanilang physical PhillD Card. Ito ay dahil may nakalaan na physical PhillD card para sa bawat rehistrado. Patuloy ang papabilis ng printing at delivery nito kasabay ang pag-issue ng ePhillD. Tulad ng PhillD card, libre ang pagkuha ng printed ePhillD.
Bukod rito, ang mga personnel din ng PhilSys ay lumilibot sa mga barangay upang ipamahagi ang ePhilID para sa mga rehistrado na residente na mayroon ng ePhilD. Maari rin kayong bumisita sa mga fixed registration centers sa ating probinsya para magpaverify ang inyong transaction slip at magparehistro sa PhillD para sa mga hindi pa rehistradong individual.
Ang fixed registration ng bawat bayan ng Occidental Mindoro ay matatagpuan sa bawat munisipyo, maliban sa bayan ng Mamburao na may Fixed Registration Center na matatagpuan sa Baby Asilo Bldg., Niebres St., Brgy. 7. Gayundin sa bayan ng Looc at Lubang na magkakaroon ng fixed registration center sa mga susunod na buwan.

Sa pamamagitan ng printed ePhillD, ang mga rehistrado na ay agarang matatamasa ang mga benepisyo tulad ng access sa mas maraming financial at social protection services.
Hinihikayat ng PSA ang mga tanggapan ng pamahalaar'l at pribadong establishment na tanggapin ang ePhillD bilang sapat na patunay ng pagkakilanlan. Hinihikayat din ang publiko na ireport ang mga ahensya at establishment na hindi tumatanggap ng printed ePhillD bilang government-issued 'identification sa mga sumusunod na official PhilSys channels:

 • Facebook: facebook.com/PSAPhilsysOfficial     
•    Hotline 1388 (may Kaukulang bayad)
•    Email: info@phjlsvs.gov-ph
(sama sa inyong mensahe ang mga sumusunod na detalye  
•    Pangalan ng establishment at ang branch nito 
•    Petsa ng transaction 
•    Transaction kung saan ginamit ang printed ePhillD 
Para sa karagdagang impormasyon, bumisita sa aming official website: rsso.mimaropa.psa.gov.ph/occidentalmindoro o sa PSA Provincjal Office sa mga sumusunod na detalye: scc Occidental Mindoro Provincial Statistical Office


 

Attachment Size
PDF OccMin_PR_Philsys.pdf 442.87 KB

Registered Live Births in Municipality of Bulalacao, 2022

The data on the number of births presented in this quarterly special release were obtained from the vital events registered, either timely or belatedly at the Office of the City/Municipal Civil…

Registered Live Births in Municipality of Bongabong: 2022

The data on the number of births presented in this quarterly special release were obtained from the vital events registered, either timely or belatedly at the Office of the City/Municipal Civil…

Registered Marriages in Municipality of Mansalay: 2022 (First Issue)

The data on the number of births, marriages, and deaths presented in this quarterly special release were obtained from the vital events registered, either timely or belatedly at the Office of the…